Saturday, March 2, 2013

Jeep Experience 1 (Jingle all the way)


Bukod sa libro, araw-araw nakong nagdadala ng alcohol. De joke, wala akong dala ngayon kasi di pa ulit nakakabili ng bago. Blah blah. Ito ang istorya nang mamulat ang aking mga mata sa kadumihan ng mundo. Kahit saan ka lumingon ay marumi: maruming paguugali, maruming kapaligiran, maruming gobyerno, maruming pagiisip, maruming bata, atbp. Gusto ko man magkomento sa maruming gobyerno ay wag muna, dahil simple lang naman ang gusto kong ibahagi sa ngayon.

Kapag biyernes, sobra ang trapiko. Lalo na kung galing kang Espanya papuntang Taft Avenue. Parang kalahati ng populasyon ng Pilipinas nagsisimba sa Quiapo. As in isang lane na lang yung gumagalaw sa dami ng tao.

Eto na talaga. Isang biyernes nang ako'y pauwi, sumakay akong jeep, hindi ko alam kung bakit naisip kong umupo sa likod ng driver, pinaka ayoko ang pwestong yun. Bakit? Una sa lahat, ikaw ang taga abot ng bayad, pangalawa pag ikaw yung nasa dulo, ikaw yung huling bababa, tapos si manong drayber umaandar andar na habang pababa pa lang ako, atat eh.

Traffic traffic. Syempre pati yung driver ng jeep naiinip na din, sa pagkakataong ito naiihi din siya. Yuck eto na talaga. Dahil hindi na talaga gumagalaw yung mga kotse, pinagpasyahan nyang umihi na lang sa gulong ng jeep niya. Nasa gilid naman yung jeep kaya mejo hindi sya kita nung umihi sya. Walang hugas-hugas, balik sa driver's seat at tanggap ng bayad. At dahil ako nga yung pinakamalapit sa driver, ako yung nagaabot ng pera sakanya. Di ko alam anong nangyari sa katapat ko na pwede din naman mag abot ng bayad. Pinipilit ko talagang hindi dumaplis sa kamay nya jusme. Bakit ba kasi di pa nagsibayad tong mga to bago umihi sa manong drayber. At sa hindi maiwasang pagkakataon, naabot ko yung bayad ng full palm-to-palm interaction. Gumuho ang mundo ko. Biglang nanahimik yung boses sa ulo ko. At gusto ko ng putulinn yung kamay ko.  Buwis buhay kong hindi pinahid sa panyo ko or damit yung kamay ko. Pag uwi ko maghuhugas ako, yun lang iniisp ko.

Anyway, bakit ba ko nandidiri? Ikaw kaya mahawakan ng humawak sa pututoy niya. Parang nahwakan mo na din yung... !! nako talaga tumbling na lang talaga ako minsan pauwi.

At dahil dun, natuto nakong mag dala ng alcohol para sa mga unexpected dugyot moments. The End.